Dream. Discover. Explore … with Skyjet

Image
       Para sa mga lugar tulad ng Batanes, Virac, Tablas, atbp. na kinokonsidera na missionary routes ng mga airlines, alam nila ang pakiramdam na parati na lang iniiwan sa ere.
       Ito ang nangyayari kapag hindi maituturing na “profitable” ang destinasyon. So, kapag matindi na ang pagdurugo sa pagkalugi ng isang airline ay napipilitan na sila na bitiwan ito.  Kung kayo ay taga Batanes at iba pang nabanggit na lugar … alam ninyo yan. Naranasan nyo na yan. Ilang beses pa!
       Maraming kadahilanan ang pagiging problematic ng isang destinasyon. Kadalasa’y ito ay dahil sa walang sapat na bilang ng pasahero na sasakay sa eroplano. O kaya’y madalas nakakansela ang flights dahil sa masamang panahon. Lugi ang negosyo.
       Natural, kung kayo naman ang pasahero at hindi mo maaasahan ang kasiguraduhan ng iyong biyahe – hindi ka na lang pupunta sa lugar na iyon. Kung kayo naman ay taga duon at alam mong ganun ang situwasyon, maaaring sa barko ka na lang magbu-book para siguradong makakabiyahe ka.
       Yan ang hinaing at sakit ng ulo ng mga nakatira sa ganitong probinsiya. Tuloy nahihirapan umasenso ang lugar dahil dito. Sino nga naman ang magnenegosyo sa lugar mo kung ganyan, di ba?
       Buti na lang at dumating itong isang dentista na aral sa New York at napaibig sa isang taga Batanes. Dito niya naranasan ang hirap at pangungulila ng mga taga Batanes para sa isang paraan ng pagbibiyahe na maaasahan. Dito rin niya nadiskubre ang ganda ng kultura at kapaligiran ng Batanes kaya’t naisip niya na, tulad ng napakaraming lugar sa Pilipinas, turismo ang solusyon sa problema ng Batanes.
       Sinimulan ni Dr. Joel Mendoza ang Batanes Cultural Travel Agency para tulungan lumago ang turismo at dumami ang trabaho at pagkakakitaan ng mga taga Batanes. Pero, hindi lamang basta turismo kundi ecocultural tourism ang kanyang pinagsikapan na matupad dito. Sa ganitong paraan hindi nasasalbahe ang lugar bagkus nape-preserve pa ito. Sustainable ecotourism ang tawag dito ni dating Tourism Secretary Ace Durano na naglunsad ng “Turismo Mismo” – isang advocacy campaign on sustainable ecotourism nung 2008.
       Ito rin ang advocacy ngayon ni Doc Joel … pero para sa buong Pilipinas na ngayon. May kasabihan tayo na “put your money where your mouth is” – at kanyang ginawa nga ito nang nagtayo na siya ng sariling airlines para tulungan umunlad ang mga lugar tulad ng Batanes, Virac, Busuanga, Surigao, Catarman, at Caticlan.
       Pero ang pagunlad na kanyang inaasam ay ang pag unlad para sa mismong mga komunidad kung nasaan ang mga tourist spots. Dapat ang mas umasenso ay ang mga taga roon mismo.
       At dapat, sa pagunlad ay hindi gahasain ang kapaligiran na siyang pinagmumulan ng katanyagan ng lugar para siya ay dayuhin. Naniniwala si Doc Joel na ang komunidad mismo ang dapat magtaguyod at magprotekta sa kanilang likas yaman para lalo pa itong dayuhin ng mga turista.
       Aminado si Doc Joel na marami pang kailangang ayusin para di umiral ang pagkakanya-kanya sa mga lugar na ito pero naniniwala siya na marami na rin ang handang isaayos ang Caramoan, Siargao, Coron, atbp para ito naman ay maranasan at ma-enjoy ng mga susunod na henerasyon.
       Kaya kung kayo ay taga mga lugar na maituturing na missionary routes — mapalad kayo dahil ngayon meron na kayong kabalikat sa inyong pag-unlad …. narito na si Doc Joel Mendoza at ang kanyang Skyjet Airlines.
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: