METRO MANILA: Pitong Paraan Para Mapabilis ang Pagbibiyahe

Image

May magagawa tayo para mapadali ang pagbibiyahe natin sa Kalakhang Maynila.

Ito ay ayon sa Inclusive Mobility Network na binuo ng Ateneo School of Government kailan lamang.

Alam nating marami tayong pagpipiliang paraan para bumiyahe sa Kalakhang Maynila. Maaari tayong sumakay ng bus, tren, jeep, at tricycle. Maari din tayong magbisikleta.

Nguni’t alam din nating hindi magkakaugnay at episyente ang mga uri ng transportasyong ito. Kaya humahaba ang mga biyahe natin at lumalaki ang gastos natin sa pamasahe.

Narito ang mga hakbang na maari nating gawin at mga website na maaari nating bisitahin para mapadali ang pagbiyahe natin dito sa Metro Manila.

1. Alamin ang mga ruta at iskedyul ng tren. LRT Line 1 mula Roosevelt hanggang Baclaran. LRT Line 2 mula Santolan hanggang Recto Avenue. (www.lrta.gov.ph) Metro Rail Transit Line 3 mula North Avenue hanggang Taft Avenue. (dotcmrt3.weebly.com) Maaari rin nating tignan ang MRT Tracker sa www.mrttrackr.com.

2. Sumakay sa mga electric jeep sa Makati at Pasig. (http://inclusivemobility.net/ejeeps)

3. Mag-aral na mamisikleta ng ligtas; sumali sa mga grupong nagsusulong ng pamimisikleta sa Metro Manila. Tulad halimbawa ng Firefly Brigade (www.fireflybrigade.org) ni Karen Crisostomo, Tiklop Society of the Philippines (tiklopsociety.ph) nina Pio at Ethel Fortuno, Ageless Warriors nila Gerry Gabriel, atbp.

4. Magdala ng bisikletang naitutupi (gulong na may sukat na hindi lalagpas sa 20 pulgada sa diyametro) sa MRT o LRT. Para sa karagdagang kaalaman ay panuorin ang storyang “Bike to work? Why not? MRT now allows folding bikes” sa link na www.gmanetwork.com/news/story/247657/lifestyle/design/bike-to-work-why-not-mrt-now-allows-folding-bikes.

5. Alamin ang iyong karapatan bilang isang komyuter; magreklamo kung may lalabag sa mga karapatang ito. Basahin ang DOTC Passenger’s Bill of Rights (oplanligtas.org/passengers-bill-of-rights) at DOTC Complaint Form for Violation of Passengers’ Rights by Public Transport Operators (www.dotc.gov.ph/action_center.html).

6. Mag-aral ng “eco-driving.” Mga ligtas at maayos na paraan ng pagmamaneho (www.ecodrive.org/en/home).

7. Alamin ang mga batas trapiko at ang pinakhuling ulat tungkol sa lagay ng trapiko sa lansangan. Ugaliing gamitin ang TV5-MMDA Traffic Monitoring System (mmdatraffic.interaksyon.com/system-view.php).

Ang pitong hakbang na ito ang magmumulat sa inyo na possible naman ang maayos at kaaya-ayang pagbibiyahe o paglilibot dito sa Kalakhang Maynila kung ating talagang nanaisin.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Inclusive Mobility advocacy at maaaring makipag-ugnayan po lamang kay Althea Pineda sa tel. nos. 9297035 at 4266001 local 4646. Maari din kayong magpadala ng mensahe sa email newmobility.ph@gmail.com.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: